Kalapati Ginawang “Anghel” sa Salubong, Nauwi sa Pagkamatay — Mga Animal Welfare Groups Nagpahayag ng Pag-aalala

Umani ng matinding reaksyon mula sa mga animal welfare advocates ang isang insidente noong nakaraang Linggo ng Pagkabuhay, kung saan isang kalapati ang ginamit bilang bahagi ng Salubong ceremony sa Malabon.
Ayon sa ulat at mga larawang kumakalat online, ang kalapati ay ginawang simbolo ng “anghel” sa pagdiriwang ng muling pagkabuhay ni Hesus. Upang mapanatili ang itsura ng paglipad, iniunat umano ang mga pakpak nito at itinali gamit ang cable sa isang patpat.

Batay sa pahayag ng Animal Kingdom Foundation, ang naturang paraan ay maaaring nagdulot ng matinding discomfort sa hayop. Dagdag pa nila, bagama’t may mabuting layunin ang tradisyon, mahalaga ring isaalang-alang ang kapakanan ng mga hayop.
Mas lalo pang nakababahala ang sumunod na pangyayari.


Ayon sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS), itinali ang kalapati sa mga lobo at pinakawalan, na nagresulta sa pagkamatay nito at posibleng polusyon sa kapaligiran.
Mariing kinondena ng PAWS ang insidente, na anila’y hindi makatao at taliwas sa diwa ng pananampalataya, at nanawagan ng mas mahabaging pagdiriwang.
Samantala, umapela ang Animal Kingdom Foundation na isaalang-alang ang kapakanan ng mga hayop at kasalukuyang naghihintay ng pahayag mula sa diocese.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *