JM, inamin kung gaano niya kamahal si Fyang sa panayam kay Ogie Diaz
Diretsahang tinanong ni Ogie Diaz si JM tungkol sa tunay niyang nararamdaman para kay Sofia Smith o mas kilala bilang Fyang, sa isang panayam.
Sa gitna ng interview, hindi pinalampas ni Ogie ang tanong:
“Gaano kamahal ni JM si Fyang?”
Agad namang sumagot si JM at walang pag-aalinlangan na sinabi:
“Sobra-sobra. Hindi rin naman sapat yung ‘oo’ lang.”
Ipinahiwatig ng kanyang sagot na hindi basta-basta ang nararamdaman niya para kay Fyang, at higit pa ito sa simpleng pag-amin ng pagmamahal.
Bagama’t hindi na siya nagbigay ng mas detalyadong paliwanag, kapansin-pansin ang sincerity sa kanyang sagot—na lalong nagpakilig at nagpa-react sa mga tagasubaybay ng kanilang kwento.
Hindi sapat ang “oo” — JM, ibinunyag ang totoong nararamdaman kay Fyang
