Hindi biro ang presyo ng Hermès na ibinida ni Carla Abellana—umaabot ito sa milyon Hindi biro ang presyo ng Hermès Birkin na ibinida ni Carla Abellana matapos niyang ipasilip ang kanyang closet.
Isa
sa mga agaw-pansin na item ay ang Hermès Birkin 30 na may gold hardware, na ayon sa mga ulat ay umaabot sa mahigit ₱1 milyon hanggang ₱2 milyon depende sa kondisyon at model. Ayon kay Carla, hindi niya ito madalas gamitin dahil sa sobrang halaga nito. Sa halip, mas pinipili niyang ingatan at i-display na lamang sa kanyang collection. Sa katunayan, inilarawan pa niya ang halaga nito bilang “pang tuition fee na ng mga magiging anak ko in the future,” na lalo pang nagpatunay kung gaano ito ka-valuable. Dahil dito, lalong napa-wow ang netizens sa luxury collection ng aktres, at sa tunay na presyo ng isang Hermès Birkin—na hindi basta-basta kayang bilhin ng karamihan.

