Nagkaroon ng masayang kulitan sa vlog ni Karen Davila kasama ang socialite na si Tita Small Laude, kung saan tila napalaban si Tita Small sa kanilang fast talk segment.

Sa simula pa lang ng laro na “lights on, lights off,” agad nang nagpakita ng pagiging game ang dalawa:
“Lights off, lights on?”Tanong kay Karen.
“Hello, ano masasabi ko? Off ako ah… okay .On ka ba ako?” sagot naman ni Karen.
“Brown out!” pabirong hirit ni Tita Small, dahilan para matawa ang dalawa.
Uminit pa ang usapan nang mapunta sa personal na tanungan:
“Oh wait, sinong crush mo?” tanong ni Karen.
“Crush? Dati… ngayon wala na akong crush,” sagot ni Tita Small.
Ngunit hindi dito natapos ang kulitan.
“Okay wait, in Philippine cinema, sinong pinakagwapo?”

“Oh my gosh… I like this Paolo Avelino,” diretsahang sagot ni Tita Small.
Dito na napatawa si Karen at napasabi ng, “Ang bata naman nun, dear!”
Ngunit mabilis ding sumagot si Tita Small, “Dear, bakit? Anong tingin mo sa’kin? Alangan naman sa akin wala… no, I like him!”
Mas lalo pang naging lively ang usapan nang tanungin kung sino ang gusto niyang maging kapareha sa pelikula:
“So let’s say magkakaroon ka ng movie, sinong gusto mong kapartner?”
“Kapartner? May kissing scene o wala?” balik-tanong ni Tita Small.
“May kissing scene,” sagot ni Karen.
“Shucks… sino malaki katawan, dear?” pabirong sagot ni Tita Small, na lalo pang nagpasaya sa kanilang dalawa.
Dahil dito, lalong naging engaging at entertaining ang vlog, na nagpakita ng natural na chemistry at sense of humor nina Karen Davila at Tita Small.
Patunay lamang na kahit simpleng fast talk, kayang gawing nakakatuwa at memorable kapag sila ang magkasama.
Pa

