₱1M Votes? Fyang, Nilinaw ang Isyu Matapos Usisain ni Dina Bonnevie

Usap-usapan ang umano’y “₱1M vote sponsorship” sa Pinoy Big Brother matapos mabanggit ito sa isang panayam.
Sa naturang interview, hindi nag-alinlangang itanong ng beteranang aktres na Dina Bonnevie kung totoo nga bang may mga kalahok na nakakatanggap ng malaking sponsorship—kabilang na ang sinasabing umaabot sa isang milyong boto mula sa donors.
Diretsahan niyang tinanong sina Sofia Smith at JM Ibarra kung nakaranas ba sila ng ganitong uri ng suporta.


Ayon sa kanila, wala silang naging sponsor na nagbigay ng ganoong kalaking boto.
“Wala po kaming sponsor. Kung ano man po ang nakuha namin, galing po ‘yun sa organic na suporta ng mga tao,” paliwanag nila.
Nilinaw rin nila na ang kanilang batch ay dumaan sa normal na proseso, kung saan lahat ay nagsimula sa audition at walang koneksyon sa showbiz.
“Sa batch po namin, normal lang—walang artista. Lahat po kami nagsimula from scratch. Hindi po kami kilala, nag-audition lang po kami ng dalawang araw,” dagdag nila.
Sa kabila ng paliwanag, patuloy pa rin ang diskusyon online tungkol sa umano’y impluwensya ng pera at sponsorship sa botohan ng reality shows, lalo na sa mga kompetisyong nakabase sa public voting.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *